“Ayoko Nang Limutin Ka” — Simpatiko PH feat. TJ Tugay
Words by TJ Tugay
Music by Perlin Huberit
Publisher: Viva Music Publishing, Inc.
Arranged by Perlin Huberit
Producer: Simpatiko PH
Recorded, mixed and mastered by Henry Alburo at Polysonic Records
Ayoko Nang Limutin Ka
Simpatiko PH featuring TJ Tugay
Patawad kahit alam kong ‘di pupwede
Sa araw-araw na ‘pagngiti ko’t ‘pagtingin
Patawad, ‘di ko naman sinasadya
Ayaw sukuan, at ‘di ako nagsawang ibigin ka
Alam kong kaibigan lang
Pinilit kong limutin ka…
Kasalanan ba na ikaw ay pangarapin
Na balang araw sana ikaw ay maging akin
Huli na ba ako o maaga lang aking pagdating
O baka sadyang ayaw mo lang sa ‘kin
Umasa kahit walang pinaglalaban
Pangarap kahit alam ko nang ako’y talunan
Alam kong kaibigan lang
Pinilit kong limutin ka (pinilit kong limutin ka)
Kasalanan ba na ikaw ay pangarapin
Na balang araw sana ikaw ay maging akin
Huli na ba ako o maaga lang aking pagdating
O baka sadyang ayaw mo lang sa ‘kin
Siguro nga hanggang dito na lang
Magmahal at ngumiti
Kahit sa panaginip lang akin
Alam kong ‘di naman talaga pwede
Kaibigan lang ang kaya mong ibigay pero bakit parang ayaw kong bumigay
Kahit sa panaginip lang akin
Sa araw-araw na pagtingin at pasimpleng pagngiti
Sa pagmamahal na ‘di masusuklian at walang patutunguhan
Kahit sa panaginip lang akin
Ako’y iyong pinasaya kahit alam kong ito’y pansamantala
Puso kong talunan ay ayaw kang sukuan
Alam kong kaibigan lang
Pinilit kong limutin ka
Ayoko nang limutin ka
Follow us: