Albums

Albums

Baka ‘Di Mapigilan — Cassy of PPop Generation

  • Release date: 2020-08-14
  • Label: Viva Records
Baka ‘Di Mapigilan — Cassy of PPop Generation
Sing-and-dance group PPop Generation is packed with a bunch of amazing dancers and among them is Cassy. More than her dancing skills and her pretty face, Cassy displays her talent in singing through her solo debut track, “Baka ‘Di Mapigilan.” In this jazz-inspired pop track, Cassy brings her adorable charm befitting for the song’s theme. “Baka ‘Di Mapigilan,” written by Ruth Anna Mendoza, talks about that fluttery feeling of admiring her crush from afar. It’s an enjoyable upbeat pop track that perfectly suits Cassy of PPop Generation’s sweet-sounding voice.

 

Composed by Ruth Anna Mendoza

Published by Viva Music Publishing, Inc.

Arranged by Iean Iñigo

Produced by Civ Fontanilla

Mixed and mastered by Joel Mendoza

Recorded by Joel Mendoza at Viva Recording Studios

 

 

 

LYRICS:

‘Di makatulog sa gabi sa kaiisip sa ‘yo

‘Di ko alam kung bakit ba ako nagkakagan’to

Anong gayuma nga ba itong napainom mo

‘Di mapigilan ang nadarama ng puso ko

 

Itigil mo ‘yang pagngiti-ngiti mo

At baka ‘di mapigilang

Magnakaw ng halik sa ‘yo

 

Sumusobra na ‘yang pagpapa-cute mo

At baka ‘di mapigilan

Mmm…

 

Araw-araw hinahanap, hindi mapakali

Nakakabad-trip lang naman at ‘di ko pa masabi

Na ako’y naaaliw, nababaliw sa ‘yo

‘Di mapigilan ang pinipintig ng puso ko

 

Itigil mo ‘yang pagtawa-tawa mo

At baka ‘di mapigilang idapo ang

Labi ko sa labi mo

 

Sumusobra na ‘yang pagpapa-cute mo

At baka ‘di mapigilan

Mmm…

 

Kanina pa ako nakatingin sa ‘yo

Hindi mo ba napapansin

Na napakalagkit ng mga titig ko

Pasensya ka na lang kung ba’t

Ako gan’to… ohh…

 

‘Di naman ako aasa na magkagusto ka

Sa tulad ko na sobrang simple’t

‘Di alam pumorma

Okey na akong makita kang masaya

Basta’t nandito lang ako ohh…

Ooh hoo…

 

Itigil mo ‘yang pagpapapansin mo

At baka ‘di mapigilang

Yakapin ka’t mabali pang mga buto mo

 

Sumusobra na ‘yang pagpapa-cute mo

At baka ‘di mapigilan

Mmm…

Ooh…ooh…

Facebook
Twitter
YouTube
Instagram