Albums

Albums

Marikit (Acoustic) — Juan x Kyle x Gab

  • Release date: 2020-07-24
  • Label: Viva Records

“Marikit (Acoustic)” — Juan x Kyle x Gab
 
The phenomemal hit of the season is recast in “Marikit,” the acoustic version by the hot streaking Juan Caoile featuring hook singer Kyle and guitarist Gab. This cool and relaxed version proves that when you strip away the beats and pare the song down to its bones, what you still have is an infectious pop song that deserves all the attention it’s getting. A sure-fire feel good song of the season and God knows the country needs one.

 

LYRICS:
 
Ikaw ang binibini na ninanais ko

Binibining marikit na dalangin ko

Ikaw ang nagbigay ng kulay sa ‘king mundo

Sana ay panghabangbuhay na ito

Ikaw ang binibini na ninanais ko

Binibining marikit na dalangin ko

Ikaw ang nagbigay ng kulay sa ‘king mundo

Sana ay panghabangbuhay na ito

 

O binibini ko, ikaw ang nais ko

Na makapiling sa buong buhay ko

Laman ng panaginip, ikaw ang iniisip 

‘Di ko alam kung bakit ako ay nabibighani

 

Sa tuwing ikaw ay napapadaan

Mga mata ko ay kumikislap agad

Korteng bote na katawan mo at 

Mga ngiti mong matamis, aba ay sakto na

 

Sana’y mapansin at ako’y dinggin

Mga damdamin ko’y nais maparating

Ako’y nadale ng mga ngiti mo at

Mala-anghel na mukha sa ‘yo’y naakit na

 

O Maria Clara ko, sa ‘yo’y hibang na ‘to

Ikaw ang kahulugan ng salitang buhay ko

Ang tanging hiling, Diyos iyong dinggin

Ang babaeng marikit ay mapasa’kin

Lahat hahamakin makuha lang ang akin

Kahit buong kalawakan aking kukuhain

 

O aking binibini, ikaw ang pinipili

Sa simula’t huli ng aking pag-ibig

 

Ikaw ang binibini na ninanais ko

Binibining marikit na dalangin ko

Ikaw ang nagbigay ng kulay sa ‘king mundo

Sana ay panghabangbuhay na ito

Ikaw ang binibini na ninanais ko

Binibining marikit na dalangin ko

Ikaw ang nagbigay ng kulay sa ‘king mundo

Sana ay panghabangbuhay na ito

Ang iyong mukha ay kabisado na

Hindi mabubura ‘pagkat ito’y kakaiba

Oo marami pa naman dyang iba

Ngunit ikaw lang talaga ang nag-iisa

 

‘Di ka man ginto pero ikaw ay mamahalin

Pagbigyan mo lang ako na ikaw ay mapasa’kin

Para bang nahulog ako sa mataas na bangin

‘Di ko namalayan dahil sa iyong mga tingin

 

Hubog ng ‘yong katawan ay nakakatulala

Kislap ng iyong mata’y tanawing napakaganda 

Hindi matatawaran kahit pa magdamagan 

Ko pa ‘tong titigan ‘di ko ‘to pagsasawaan

 

Binubuhat mo ang aking pakiramdam

Ang bigat nito ikaw ang nagpagaan

Tayo ay nag-away at nagkayamutan

Ngunit walang umawat kaya’t ‘yun nagkatuluyan

 

Aking binibini, ikaw ang pinipili

Sa simula’t huli ng aking pag-ibig


O aking binibini, ikaw ang pinipili

Sa simula’t huli ng aking pag-ibig

 

Ikaw ang binibini na ninanais ko

Binibining marikit na dalangin ko

Ikaw ang nagbigay ng kulay sa ‘king mundo

Sana ay panghabangbuhay na ito

Ikaw ang binibini na ninanais ko

Binibining marikit na dalangin ko

Ikaw ang nagbigay ng kulay sa ‘king mundo 

Sana ay panghabangbuhay na ito 

 

Ikaw ang binibini na ninanais ko

Binibining marikit na dalangin ko

Ikaw ang nagbigay ng kulay sa ‘king mundo

Sana ay panghabangbuhay na ito

 

Panaginip bang ang umasang makasama ka’y
(Ikaw ang binibini na ninanais ko)

Para na akong nahihibang
(Binibing marikit na dalangin ko)

Ikaw ay nasa panaginip lang

Ang umasang makasama ka’y

Para na akong nahihibang

 

Ikaw ay nasa panaginip lang

Ang umasang makasama ka’y

Para na akong nahihibang

 

 

Listen to “Marikit (Acoustic)” by Juan x Kyle x Gab here:

Please like & share:
Facebook
Twitter
YouTube
Instagram