Albums

Albums

Pagsisisi — Bandang Lapis

  • Release date: 2020-06-12
  • Label: Viva Records
“Pagsisisi — Bandang Lapis
Bandang Lapis tells their regrets in their latest single, “Pagsisisi.” In this alternative rock track, Bandang Lapis opens up about regretting the mistakes they made in a relationship even though it’s too late already.
LYRICS:

Pagsisisi

Bandang Lapis


Patawarin mo ako
Sa lahat ng aking kasalanan
Pinagsisihan ko ang lahat
Sa pagkakamali ko sa ‘yo
Nagawa

Hinatak na ng hangin

Nilamon na ng lupa

Ang ating pagmamahalan

‘Di ko akalain na magkakaroon ng lamat ang matagal nating pagsasama

‘Di ko sinasadyang maakit sa diwatang nababalot ng hiwaga

Dahil laging marupok na parang kahoy ang puso kong ito

‘Di na muling pagtatagpuin ang mga pusong nilason ng tadhana 

‘Di na kita mababalikan dahil sa lahat ng nagawa ko sa ‘yong kasalanan

Kasalanan

Matagal kong pinagisipan kung tama ba ang landas na aking tinatahak 

‘Di ko inaakalang naliligaw na pala ako ng daanan 

Imbis na lumalapit napapalayo sa ‘yo ang aking sarili 

Dahil laging marupok na parang kahoy ang puso kong ito

‘Di na muling pagtatagpuin ang mga pusong nilason ng tadhana 

‘Di na kita mababalikan dahil sa lahat ng nagawa ko sa ‘yong kasalanan

Kasalanan

Bakit nangyare sa ‘tin ‘to
Nawala ang lahat 

‘Di na muling pagtatagpuin ang mga pusong nilason ng tadhana 

‘Di na kita mababalikan dahil sa lahat ng nagawa ko sa ‘yong kasalanan

Kasalanan
Kasalanan

“Pagsisisi” by Bandang Lapis is OUT NOW on Spotify, Apple Music, and other digital music platforms!

Follow Viva Records on FacebookTwitterInstagram, and YouTube for the latest updates!

Please like & share:
Facebook
Twitter
YouTube
Instagram