Tagu-taguan by Sarah Geronimo
Lyrics:
TAGU-TAGUAN
Umagang kay dilim
Dito wala pa ring nagbago…magbabago
Sa pag-ikot ng mundo naiiwan na ako
Hilo…hinto Tagu-taguan Ako ba’y nakikita
‘Di na magigising
‘Di na matutulog
Ano ang sagot
‘Di na lumilipad
‘Di na nahuhulog
Dito lang ako
Hanapin mo ako
Pagbilang ng tatlo
Ako’y magtatago sa mundo…sa ’yo
Tagu-taguan Wala na ‘kong makita
‘Di na magigising
‘Di na matutulog
Ano ang sagot
‘Di na lumilipad
‘Di na nahuhulog
Dito lang ako
Hanapin mo ako
Puno na ng tanong
Sa kalungkutan ay nakipaglaro
At pagbilang ng sampu
Dapat ay makapagtago ako
Isang oras na sa dilim
Walang nakatingin
Dalawang mata’y nanatiling nakapiring
Atat lumabas at sa taas makahiling
Apat na bakas ng bulong sana’y dinggin
Nanlilimahid, pawisan galing sa gera
Animo’y walang kahera dahil walang kwenta
Pasulong ay ‘di na alam, laging paurong
Pumipito sa kawalan, baka may tumulong
Hagilapin sa tamang ruta ng gubat
Nasakop na ng awa, luha at sugat
Ang siyang mga nalunod sa karagatan ng hamon
Tiyak sa pangsampu na bilang tayo ay makakaahon
Tara! Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso
Nasa’n na ako
Nasa’n na ako
Pumikit, lumiit ang mga anino
Hanapin mo ako, hanapin mo ako
‘Di na magigising
‘Di na matutulog
Ano ang sagot
‘Di na lumilipad
‘Di na nahuhulog
Dito lang ako
‘Di na magigising
‘Di na matutulog
Ano ang sagot
‘Di na lumilipad
‘Di na nahuhulog
Dito lang ako Hanapin mo ako
Follow us: